^

Probinsiya

5 kidnaper dedo sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Phillippines - Nagwakas ang modus operandi ng limang miyem­bro ng kidnap-for-ransom gang na pinamumunuan ng isang sarhento ng Phil. Army makaraang mapas­lang ng mga operatiba ng pulisya kung saan nailigtas ang dinukot na negosyante sa isinagawang operasyon sa Urdaneta City, Panga­sinan kamakalawa ng gabi.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Director Leopoldo Bataoil, chief ng Northern Luzon Directorate for Police Operations, ang napatay na lider ng Mostrales-Obillo Waray Waray KFR group na si Army T/Seargent Dionisio “John” Obillo Jr. ng 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay.

Ang iba pang napatay ay nakilalang sina Rosen­do Matias, ex-Philippine Marines; anak nitong si Ro­ger Matias, Marcial Fonta­nilla at isang patuloy na ina­alam ang pagkaka­ki­lanlan.

Ayon sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng Police Anti Crime Emergency Response (PACER), 107th Provincial Mobile Group ng Pangasinan at Villasis Police, Intelligence Section at Special Operations Group ng Pangasinan Police Office, ang safehouse ng mga kidnaper sa Purok 4, Palina West, Urdaneta City, Pangasinan.

Sa kasagsagan ng pu­tukan ay napatay ang lima na sinasabing sangkot sa robbery /holdup at kidnapping for ransom sa Metro Manila at mga karatig lugar sa Luzon.

Samantala, nailigtas ang kidnap victim na si Julian Rodriguez ng Ayala- Alabang, Muntinlupa City.

Nabatid na ang kapatid sanang babae ni Julian na si Nins ang balak dukutin pero nagboluntaryo ang biktima na siya na lamang ang tangayin noong Abril 15 sa South Sol Internet Shop sa Marcos Alvarez Avenue, Las Piñas City kung saan puwersahan itong isinakay sa kulay asul na Honda Civic bago ina­bandona naman sa Brgy. Un­zard, Villasis, Panga­sinan.

Naunang humingi ng ransom sa pamilya ang biktima ng mga kidnaper ng P20 milyon hanggang sa bumaba sa P1.2 milyon subalit hindi nagkabayaran dahil natunton ng mga awtoridad ang kuta ng mga suspek.

Narekober sa pinangya­rihan ng shootout ang dalawang cal. 45 pistol, dalawang 9mm handguns. Dagdag ulat nina Cesar Ramirez at Victor Martin


ARMY T

CAMP CRAME

CESAR RAMIREZ

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

FORT MAGSAYSAY

HONDA CIVIC

INFANTRY DIVISION

INTELLIGENCE SECTION

SHY

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with