6 lunod sa beach resort
MANILA, Philippines - Anim na kabataan ang iniulat na nalunod sa naganap na magka hiwalay na insidente sa Bataan, ayon sa ulat kahapon. Tatlo sa anim ay agad na narekober ng mga rescue team kung saan kinilalang sina Justince Bida, 17, ng Novaliches, Quezon City; Gerald Sumaya at si Raymil Pascua, kapwa residente sa Sapang Palay, Bulacan.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, si Bida ay nalunod sa Primiera Beach Resort sa bayan ng Morong Bataan, habang sina Sumaya at Pascua ay sa RN Bay Resort sa nabanggit din bayan.
Patuloy naman ang search and rescue operation para sa tatlog pang biktimang nawawala. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending