MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang bagitong pulis matapos ratratin ng di-pa kilalang lalaki sa disco party sa bisinidad ng Brgy. Calambua sa bayan ng San Remegio, Cebu, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si PO1 Pasaylo Bandolon ng PCP Station 7 sa Mandaue City, Cebu.
Ayon sa imbes tigasyon, lumitaw na nakaramdam ng panunubig si PO1 Bandolon kaya nagpaalam sa kaniyang dalawang utol sa benefit disco.
Bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ng hindi pa nakilalang armadong lalaki habang jumi-jingle sa damuhan. Ang biktima ay unang isinugod sa Bogo District Hospital subali’t inilipat sa ospital sa Cebu dahil sa maselan nitong kalagayan. (Joy Cantos)