^

Probinsiya

2 obrero nakuryente, utas

-

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   – Dalawang kawani ng pribadong kompanya ang iniulat na nasawi makaraang makuryente kamakalawa ng umaga sa bisinidad ng Sitio Banhi, Barangay Misibis sa bayan ng Bacacay, Albay. Ang dalawa na ‘di na umabot pa ng buhay sa Albay Doctors Hospital ay sina Venancio Tabuena, 38, drayber, ng Purok 5, Barangay Labog, Sto. Domingo, Albay; at Marlon Buara, 31, ng Zone 5 , Barangay Cobo, Tabaco City at kapwa manggagawa ng Sun West Const. and Dev. Corp. Napag-alamang itinataas ng drayber ang likurang bahagi ng dump truck (CTX 166) nang sumabit sa high tension wire ng Aleco kaya gu­mapang ang kuryente sa kinalagyan nito. Nang makitang nangingisay ang drayber ay tinangkang tulungan naman ni Buara subalit maging siya ay nakarit ni kamatayan. Ed Casulla

Reservist, kagawad tinumba

BULACAN – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkaibigang Army reservist at brgy. kagawad makaraang ratratin ng ’di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Brgy. Calasag sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Abelardo Alberto, 49, Army reservist, ng Purok 2, Brgy. Pala-Pala at Kagawad Diomedes Manuel, 48, ng Brgy. Calasag, San Ildefonso Bulacan. Base sa police report, lumitaw na nag-uusap ang dalawa sa harapan ng apartment na pag-aari ni Manuel nang lumapit at pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki. Matapos bumulagta ng dalawa ay palakad na tumakas ang killer patungo sa nakaparadang motorsiklo. Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing krimen. Boy Cruz

Bike for fun sa Bacoor

BACOOR, Cavite – Ilulunsad ngayon (Abril 19) ng lokal na pamahalaan ng Bacoor ang kauna-unahang bike for fun na pinangunahan ng mga barangay chairman at konsehal mula sa 73 barangay. Sa pahayag ni Mayor Strike B. Revilla, ang programa ay kauna-unahan sa Bacoor kung saan ang mga lalahok ay awtomatikong magiging miyembro ng SEC-registered “Strike Bike Riders’ Club. “Looks like biking for fun is a good starting point,” dagdag pa ni Mayor Strike. Nakaumang na rin sa agenda ni Mayor Strike ang master plan para sa permanenteng bike lane sa Bacoor, ayon sa municipal engineer na si Robert San Jose. Matapos ilunsad ang bike for fun ay magpapatuloy na ito kada Linggo at susunod ay ang bike tour sa Bacoor para bigyang kulay ang nalalapit na kapistahan sa Setyembre. Para sa pagpaparehistro sa Strike Bike Riders’ Club, maaaring kontakin si Agnes Guado sa Tel # (046) 9703344.


ABELARDO ALBERTO

AGNES GUADO

ALBAY

ALBAY DOCTORS HOSPITAL

BACOOR

BARANGAY COBO

BARANGAY LABOG

BRGY

MAYOR STRIKE

STRIKE BIKE RIDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with