^

Probinsiya

Tibo, bading pwede sa PNP

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Kung ang sim­bahang katolika ay mahig­pit ang pagtutol sa mga mga binabae na pumasok sa seminaryo, magiging bukas naman ang pamu­nuan ng pulisya na tang­gapin ang mga nasa 3rd sex bilang kanilang kabaro.

Sa pahayag kamaka­lawa ni P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, hepe ng Directorate for Integrated Police Operations ng Northern Luzon, bukas ang kapulisan na tanggapin ang mga tibo at bading na pumasok sa hanay ng pu­lisya kung maipapasa la­mang nila ang mga kwali­pikasyon na hinihingi ng pambansang pulisya.

Sinabi rin ni Bataoil na karapatan ng mga nasa ikatlong uri ng kasarian na mamili ng kanilang papa­sukin na propesyon kung kaya’t walang dahilan upang pagbawalan ang mga bading o tibo na gus­tong maging pulis bilang pagkilala na rin sa sinasa­bing gender equality.

Ipinaliwanag din ni Ba­taoil na maraming sa­ngay sa pambansang pulisya na maaring ipuwesto ang mga bading o tibo ayon sa ka­nilang taglay na talento o kakayahan.

Gayon pa man, iginiit din ni Bataoil na wala na­man siyang kilala sa mga heneral at iba pang mata­taas na opisyal ng pulisya sa ka­salukuyan na miyem­bro ng ikatlong pederas­yon.

Si Bataoil na dumaan sa lalawigang ito kahapon ay nagtungo sa Cagayan ma­tapos siyang ipadala ni P/Chief PNP Jesus Verzosa upang personal na bisita­hin ang lugar kung saan bumagsak ang Chemtrad light aircraft sa Baggao, Cagayan at magsagawa ng imbestigasyon sa pag-ambus kay Dr. Gumersindo Lasam, director ng Department of Agriculture sa Cagayan Valley. Victor Martin


vuukle comment

BATAOIL

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. GUMERSINDO LASAM

INTEGRATED POLICE OPERATIONS

JESUS VERZOSA

LEOPOLDO BATAOIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with