GRO, inaresto sa pagpuga ng 14 preso

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Hawak na ng pulisya ka­hapon ang isang babae na sinasabing pangunahing suspek sa pagpuga ng 14-preso sa Cotabato City Jail noong Huwebes ng gabi.

Pormal na inindorso sa pulisya ni Senior Jail Officer 2 Nemesio Anggulo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cotabato City, ang suspek na itinago sa pangalang Donna, 22, namamasukang guest relations officer (GRO) sa General Santos City.

Ayon kay P/Chief Supt. Willie Dangane, chief of police ng Cotabato City, narekober sa suspek ang sulat mula sa presong pu­muga na si Samson Sabpa kaugnay sa planong pag­puga ng mga preso.

Napag-alamang Si Sab­pa ay naging ka-live-in ni Donna at itinuturing na high risk criminal dahil sa mga ka­song murder na kinasa­sangkutan nito.

Kaugnay nito, inireko­menda ni Dangane, ang pagsibak sa mga jailguard na naka-assign sa Cota­bato City Jail nang maga­nap ang jailbreak.

 “Posibleng maluwag ang seguridad sa loob.   Nawalan ng saysay ang pagsisikap na­ming maipa­sok sa kulu­ngan ang mga kriminal sa Cotabato City. Ang nakaba­bahala nito, isa sa mga pumugang preso ay suspek sa pagbaril sa isa naming kasamahang pu­lis,” dagdag pa ni Dan­gane.

Sa ngayon, tugis pa rin ng pulisya at sundalo ng AFP ang mga pumugang preso na sina Rakman Ka­nakan, Dalawi Nasser La­bing, Kasim Muktar Us­man, Haron Salibo Samad, Tashir Nasser Labing, Umbra Ra­sul Piang, Jailani Kamad, Mimba Agta, Ka­maong Datu Ali, Jalon Sab­pa, Samson Sabpa, Faisal Dumama, Adam Ibrahim, at si Datu Ali Dumagko. Malu Manar


Show comments