ILOILO CITY, Philippines — Nadakip noong Martes ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagdukot sa isang trader sa bayan ng Antique noong Huwebes. Positibong kinilala ng utol ng biktima ang suspek na si Dionisio Pajarito.
Ayon kay P/Chief Supt. Isagani Cuevas, sumasailalim na sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pajarito na sinasabing nanguna sa pagkidnap kay James Ardana sa Brgy. Odiong sa bayan ng Sibalom.
Subalit, tumangging magbigay ng comment si NBI regional director Atty. Mario Sison pero nakiusap sa mga mamamahayag na intindihin ang kanilang sitwasyon at nangakong sa takdang oras ay magbibigay sila ng impormasyon kaugnay sa suspek. (Ronilo Ladrido Pamonag)