War vs droga inilunsad
MANILA, Philippines - Pinaigting pa ng pulisya ang kampanya laban sa naglipanang iligal na droga sa pamosong Boracay Island sa Malay, Aklan partikular na ngayong panahon ng bakasyon. Ayon kay P/Supt. Arnold Ardiente, hepe ng pulisya sa nabanggit na isla, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na lipulin ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa.
“We cannot deny that illegal drugs exist in Boracay because of the good market. Boracay is a party island and every time, there is a party, nandiyan lagi ang drugs. Pag me nightlife dito, lumalabas din ang mga prostitutes,” pahayag ni Ardiente.
Samantala, pinalakas rin ng lokal na pulisya ang pagpapatupad ng vagrancy law kung saan umaabot na sa 30-katao ang naaresto habang dalawa naman barko ng Philippine Navy ang ideneploy upang protektahan ang turismo sa Boracay. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending