2 Cafgu utas sa ambus

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ng Cafgu Active Auxiliary ang iniulat na napatay makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang ka­lalakihan sa bisinidad ng Brgy. Elian sa bayan ng Datu Sau­di Ampatuan, Maguindanao ka­makalawa ng umaga.

Ga­yon pa man, pansamantalang hindi tinukoy ang pagkikilanlan ng mga biktima kung saan kailangan pang im­por­mahan ang ka­nilang mga pamilya.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, napag-alamang lulan ng tray­sikel at motorsiklo ang mga biktima nang ratratin. (Joy Cantos)

Show comments