2 nanloob sa banko tiklo
BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa apat na kalalakihan na sinasabing nanloob sa rural bank makaraang maaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Calumpit, Bulacan. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Rudy Gomez ng # 1547 Prudencio St., Sampaloc, Manila at Bong-Bong Gascon ng Neta Gulod, Novaliches, Quezon City.
Base sa police report, pinasok ng mga suspek ang Cooperataive Rural Bank of Bulacan sa Brgy. Caniogan subalit lingid sa kawatan ay tumunog ang alarma na nakakabit sa himpilan ng pulisya kaya mabilis na rumesponde ang pulisya.
Ayon sa pulisya, hindi naman nalimas ang laman ng safety vault na P.7 milyon habang narekober sa mga suspek ang dalawang baril, granada, bolt cutter,dalawang bareta, at iba pang gamit. (Boy Cruz at Dino Balabo)
- Latest
- Trending