Ex-kagawad pinasabugan

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Halos magkagutay-gutay ang katawan ng isang 38-anyos na dating barangay kagawad makaraang masabugan ng granada sa loob ng kanilang tahanan na ikinasugat naman ng malubha ng kanyang misis at anak noong Sabado ng gabi sa Brgy. Bayawa sa bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat. Kinilala ni SPO1 Fred Opiaza, ang nasawi na si Ronald Mansera Kalido, habang malubha naman ang mag-inang Jenny­lyn, 33; at Mamot, 3. Napag-ala­mang dumating ang mag-anak sa kanilang tahanan mula sa pagdalo sa kasalan ng utol ni Ronald sa Tacu­rong City nang umalingawngaw ang malakas na pag­sabog. Malu Manar

Show comments