Habambuhay sa tulak ng droga
ILOILO CITY, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa isang mister na nakumpiskahan ng 13.35 gramo ng shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Setyembre 2003 sa Brgy. Concepcion, Iloilo City.
Sa 13-pahinang desisyon ni Judge Evelyn Salao ng Iloilo City Regional Trial Court Branch 25, bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din ang akusadong si Yul Paulino ng P.4 milyon danyos sa estados dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.
Binalewala ng korte, ang alibi ni Paulino na planted ang shabu ni SPO1 Rovelson Bagares na isa sa pangkat ng pulisya na nagsagawa ng drug bust sa kan yang bahay sa Zamora Street sa nabanggit na barangay noong Setyembre 25, 2003.
Maging ang testimonya ni Kagawad Virgilia Diel ng Brgy. Concepcion, na pumapabor sa panig ni Paulino ay ibinasura ng hukom.
“To say that these were planted by SPO1 Bagares is to charge him rashly. The testimony of Brgy. Kgwd. Diel that she saw the string coming out from the pocket of SPO1 Bagares is uncorroborated. Moreover there is no positive testimony that the same string of the eye glass pouch was the same string coming from the pocket of SPO1 Bagares,” paliwanag ni Judge Salao
Napag-alaman din ng korte na hindi napatunayan na may personal na galit si Bagares kay Paulino.
“The court finds that the accused Yul Paulino is indeed guilty of having in his possession 13.35 grams of methamphetamine hydrochloride,” ayon sa desisyon ng korte.
Inaapela naman sa Korte Suprema ang naging desisyon ng mababang korte, ayon sa mga counsel ni Paulino na sina Atty. Arthur Padojinog, Atty. Oscar Leo Billena, at Atty. Joel España. Ronilo Ladrido Pamonag
- Latest
- Trending