Garantisa­dong Pambata 2009 inilunsad sa Rizal

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Magkatulong na inilunsad ng Pamahalaang Panlala­wigan ng Rizal at ng Department of Health (DoH) ang Garantisa­dong Pambata (GP) 2009 sa Ynares Center, Antipolo City.

Ang Garantisadong Pam­­bata Week na temang GP9 in 2009 9 ways to save Your Child ay bahagi ng kabuuang kam­panya ng Bright Child ng Department of Health sa pangu­nguna ni Secretary Francisco Duque.

Ang pagdiriwang na mag­mo-motorcade ay mag­bi­bigay importansya sa ka­hala­gahan ng child health survival interventions at upang i-promote ang mga tamang asal sa pa­nga­nga­langa ng mga bata sa mga ina at nangangalaga ng mga bata.

Tumutukoy ang tema sa 9 Child Survival Interventions na nagbibigay halaga sa skilled attendance during pregnancy, delivery and immediate postpartum; pag-aalaga sa mga ba­gong si­lang na sanggol; breast­feeding at complementary feeding; micronutrient sup­ple­ men­tations at deworming; immunization ng sang­gol at ina; integrated management of sick children at mothers; injury prevention and control; birth spacing at proper personal hygiene.

Ginaganap tuwing ika­dala­wang taon sa buwan ng Abril at Oktubre, ang kam­panya ng GP ay naglala­yong mapalakas ang lahat ng gawaing maabot ang mga batang nasa edad ng buwan, partikular na ang mga batang hindi naaabot ng gani­tong proyekto.

Show comments