GarantisaÂdong Pambata 2009 inilunsad sa Rizal
ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Magkatulong na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at ng Department of Health (DoH) ang Garantisadong Pambata (GP) 2009 sa Ynares Center, Antipolo City.
Ang Garantisadong Pambata Week na temang GP9 in 2009 9 ways to save Your Child ay bahagi ng kabuuang kampanya ng Bright Child ng Department of Health sa pangunguna ni Secretary Francisco Duque.
Ang pagdiriwang na magmo-motorcade ay magbibigay importansya sa kahalagahan ng child health survival interventions at upang i-promote ang mga tamang asal sa pangangalanga ng mga bata sa mga ina at nangangalaga ng mga bata.
Tumutukoy ang tema sa 9 Child Survival Interventions na nagbibigay halaga sa skilled attendance during pregnancy, delivery and immediate postpartum; pag-aalaga sa mga bagong silang na sanggol; breastfeeding at complementary feeding; micronutrient supple mentations at deworming; immunization ng sanggol at ina; integrated management of sick children at mothers; injury prevention and control; birth spacing at proper personal hygiene.
Ginaganap tuwing ikadalawang taon sa buwan ng Abril at Oktubre, ang kampanya ng GP ay naglalayong mapalakas ang lahat ng gawaing maabot ang mga batang nasa edad ng buwan, partikular na ang mga batang hindi naaabot ng ganitong proyekto.
- Latest
- Trending