^

Probinsiya

Trader na may kasong rape dinukot

-

ILOILO CITY, Philippines — Isang negosyante na pinanini­walaang may kasong rape ang iniulat na dinukot ng mga ’di-pa kilalang kalala­ki­han noong Huwebes ng gabi sa kahabaan ng highway sa Barangay Odiong sa bayan ng Sibalom, Antique, Iloilo. Ayon sa pulis­ya, nanatili naman ‘di-naki­kipag-ugna­yan ang mga kidnaper sa pa­milya ng bik­timang si James Ardaña.

Base sa police report, lumilitaw na papauwi na ang biktima kasama ang kan­yang utol na si June nang hi­narang ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sasakyan.

Napag-alamang isina­kay ng mga kidnaper ang biktima sa motorsiklo saka iniwan sa gilid ng kalsada ang utol nitong si June na iginapos.

Nagkataon naman du­maan ang isang mediaman at namataan ang utol ng bik­tima kaya naipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang insidente.

Sa ulat ng regional police director na si P/Chief Supt. Isagani Cuevas, na may mga impormasyon na ang kanyang mga tauhan sa gru­po subalit wala pang hini­hinging ransom para sa kala­yaan ng biktima.

Sinisilip ng mga awtori­dad ang anggulong personal na alitan subalit wa­lang kina­laman sa insi­dente ang kidnap-for-ransom group.

Masusi ring sinisilip ng pulisya ang anggulong kidnap me scenario dahil sa ang bik­tima ay nahaharap sa kasong rape.

Sa pahayag ni Cuevas, na may mga idea na sila kung saan itinago ang bik­tima su­balit pansaman­talang hindi isi­niwalat para ‘di- mabulabog ang follow-up operation. Ronilo Ladrido Pamonag

AYON

BARANGAY ODIONG

CHIEF SUPT

CUEVAS

HUWEBES

ISAGANI CUEVAS

JAMES ARDA

RONILO LADRIDO PAMONAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with