Bus vs bus: 1 dedo, 26-sugatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kinarit ni kama­tayan ang isang 40-anyos na misis samantalang su­gatan naman ang 26 iba pa maka­raang magsalpukan ang dalawang pampasa­herong bus sa Ma­harlika Highway sa Brgy. Villabota, Gumaca, Quezon kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Inspector Giovanni Caliao, hepe ng pulisya sa bayan ng Guma­ca, ang nasawing biktima na si Nelia Alvarez-Capisonda ng Pepito St. Tumana, Ma­rikina City.

Namatay si Capisonda kahapon ng umaga habang ginagamot sa San Diego Hospital dahil sa matinding sugat sa ulo at katawan.

Base sa police report, su­malpok ang Philtranco bus (PYG-906) ni Cyril Barreda sa kasalubong na AB Liner bus (TXH-584) ni Eugene Evange­lista ban­dang alas-12:30 ng hapon

Napag-alamang nag-overtake ang Philtranco bus na pa­tungong Bicol mula sa Manila sa kurba­dang kalsada kaya nabang­ga ang kasalu­bong na AB Liner na patungo namang Manila mula sa Bicol.

Sumalpok pa ang Phil­tranco bus sa bahay na pag-aari Mr. Victoria bago inararo ang bakod ng San Miguel Corp. warehouse.

Isinugod ang mga suga­tang biktima sa Gumaca District Hospital at San Diego Hospital. Arnell Ozaeta at Tony Sandoval

Show comments