Katiwala sa resort dinedo

CAVITE , Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 45-anyos na katiwala sa beach resort ng kapwa ka-trabaho kamakalawa kaugnay sa pinag-aagawang lupain sa Ba­rangay San Rafael 4, Noveleta, Cavite.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Romulo Torres, mangingisda at caretaker sa Long Beach Resort. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Domingo “Domeng” Fernandez na kasamahan sa trabaho ng biktima sa nabanggit na beach resort.

Base sa police report, nag-iisang umiinom ng alak ang biktima sa kan­­yang kubo nang komprontahin ng suspek kaugnay sa pinag-aawayang lupain hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Cristina Timbang)


Show comments