^

Probinsiya

2 PDEA itinumba

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Dalawang  tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Autonomous Region in Muslim Min­danao ang iniulat na napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalala­kihan na sinasabing miyembro ng sindikato ng droga sa Brgy. Du­malangcob, sa Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Pablo June  Jala at isang alyas Tho na tumatayong confidential agent ng PDEA.

Kabilang naman sa nasugatan ay ang dalawang PDEA-ARMM intelligence officer na sina Brian Balang, Mark Anthony Viray.

Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Danilo Bacas, spokesman ng PNP-ARMM, lumilitaw na isisilbi sana ng pinagsanib na elemento ng PDEA at ng Sultan Kudarat PNP ang search war­rant laban sa isang big time drug trafficker na si Piad Buaya Ab­dullah nang maganap ang ratratan kung saan bulagta kaagad ang dalawang PDEA.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay nakipagpalitan ng putok ang mga awtoridad laban sa mga kaalyado ni Buaya hanggang sa mag-atrasan ang mga armadong kalalakihan sa takot na malagasan kung saan rumesponde ang pulisya at tropa ng 37th Infantry Battalon ng Phil. Army. (Malu Manar at Joy Cantos)


AUTONOMOUS REGION

BRIAN BALANG

DANILO BACAS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INFANTRY BATTALON

JOY CANTOS

MALU MANAR

MARK ANTHONY VIRAY

MUSLIM MIN

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with