Fil-Am ibinaon sa poso negro

BACOLOD CITY, Ne­gros Occidental , Philippines  – Brutal na kamatayan ang suma­lubong sa pagbabakasyon ng isang 54-anyos na ba­baeng Fil-Am na pinanini­walaang sinakal ng kan­yang pamangking lalaki bago binaon sa poso-negro sa San Carlos City, Negros Occidental.

Sa panayam ng MBC Aksyon Radyo kay PO1 Jordan Baynosa, nadis­kubre ang bangkay ng bik­timang si Josefina Forber malapit sa kanyang bahay matapos ipahukay ng ka­mag-anak ang poso-negro noong Biyernes Santo kung saan gina­ wang burial ground ng balikbayan.

Napag-alamang kinon­tak ni David Alegre (pa­mang­kin ng biktima), ang apat na menor-de-edad na lalaki para maghukay at gumawa ng poso-negro.

Ayon sa salaysay ng apat na binatilyo, kaagad silang pinaalis ni Alegre matapos gumawa ng septic tank kahit hindi sine­mento ang ibabaw.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ng pulisya, na mis­mong si Alegre rin ang nagpa-police blotter noong Marso 26 na ang kanyang tiyahing si Forber ay nawa­wala noong pang Marso 14 at sa kasalukuyan ay nag­tatago na si Alegre.

Sa pahayag ng pamilya Forber kay Baynosa, si Jo­sefina ay nakapag-asawa ng Kano at nagbakasyon lamang sa Pinas nang ma­kasalubong si kamatayan

May teorya ang pulisya na ang krimen ay may ka­ug­nayan sa P.1 milyong winidraw ng biktima sa banko bago iniulat na na­wa­wala siya.

Samantala, nasa custody ng San Carlos PNP ang apat na menor-de-edad na lalaki sa pagpa­patuloy ng imbestigasyon habang isinailalim na sa post-mortem examinaton ang katawan ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay. (Toks Lopez)


Show comments