Fil-Am ibinaon sa poso negro
BACOLOD CITY, Negros Occidental , Philippines – Brutal na kamatayan ang sumalubong sa pagbabakasyon ng isang 54-anyos na babaeng Fil-Am na pinaniniwalaang sinakal ng kanyang pamangking lalaki bago binaon sa poso-negro sa San Carlos City, Negros Occidental.
Sa panayam ng MBC Aksyon Radyo kay PO1 Jordan Baynosa, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Josefina Forber malapit sa kanyang bahay matapos ipahukay ng kamag-anak ang poso-negro noong Biyernes Santo kung saan gina wang burial ground ng balikbayan.
Napag-alamang kinontak ni David Alegre (pamangkin ng biktima), ang apat na menor-de-edad na lalaki para maghukay at gumawa ng poso-negro.
Ayon sa salaysay ng apat na binatilyo, kaagad silang pinaalis ni Alegre matapos gumawa ng septic tank kahit hindi sinemento ang ibabaw.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na mismong si Alegre rin ang nagpa-police blotter noong Marso 26 na ang kanyang tiyahing si Forber ay nawawala noong pang Marso 14 at sa kasalukuyan ay nagtatago na si Alegre.
Sa pahayag ng pamilya Forber kay Baynosa, si Josefina ay nakapag-asawa ng Kano at nagbakasyon lamang sa Pinas nang makasalubong si kamatayan
May teorya ang pulisya na ang krimen ay may kaugnayan sa P.1 milyong winidraw ng biktima sa banko bago iniulat na nawawala siya.
Samantala, nasa custody ng San Carlos PNP ang apat na menor-de-edad na lalaki sa pagpapatuloy ng imbestigasyon habang isinailalim na sa post-mortem examinaton ang katawan ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay. (Toks Lopez)
- Latest
- Trending