Briton, 3 Pinay tiklo sa lewd show

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsa­kan ng isang Briton at tatlong Pinay makaraang maaresto ng pulisya dahil sa pagpa­palabas ng lewd show sa isang beach resort sa Puerto Galera sa Min­doro Oriental, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang mga suspek na sina Mi­chael Patrick Murchan, British national, 41, pansa­man­talang na­ninirahan sa #56 Jack Da­niels Apartment sa Brgy. Sabang Puerto Galera; Jenny Valdez, 24, entertainer ng Sang Disco at residente ng Brgy. Muzon, Taytay; Joan Miranda, 22, ng Hanzun Ville, St. Sta Mo­nica, Angeles City, Pam­panga; at si Aleli Ra­mo­ran, 23, dancer, ng #85 Chest Clinic, Tramo, Pasay City.

Napag-alamang sina­lakay nina PO3 Ruel Reyes, PO2 Leyna  Agleron ng Wo­mens Children Protection Desk, kasama ang mga brgy. kaga­wad na sina Antonio Arago at Crisencio Caspe sa Big Apple Dive Resort sa Ba­rangay Sab­ang.

Sinasabing ang pagsal­a­kay ay ginawa base sa im­ pormasyon natanggap ng pulisya kaugnay sa talamak na lewd show sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga kababaihan ha­bang  nagsasayaw ng wa­lang saplot sa kanilang katawan. Ricky Tulipat 

Show comments