Iligal rekruter dinakma
BULACAN , Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan kabilang ang isang Tsino na sinasabing iligal rekruter makaraang maaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng tatlong sibilyan kamakalawa sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Inihahanda na ang mga ebidensya para kasuhan ang mga suspek na sina Kim Thenchen, 27, negosyante, tubong Chen Zen, China at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto, at Mario Roca, 19, ng Brgy. Pinasling, Gerona,Tarlac.
Nabatid na inireklamo ang mga suspek ng mga biktimang sina Carlos Mendoza, 35, asawa nitong si Charity, 35 at kapatid ni Carlos na si Barbara Mendoza, 38, pawang naninirahan sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria. Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima na sinasabing nakapagbigay na ng malaking halaga ay pinangakuan ng trabaho bilang security guard at waitress sa Macau Tourism and Casino Career Security and Management Company subalit hindi nakaalis. Boy Cruz
- Latest
- Trending