Bultong pampasabog nasamsam

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga awtori­dad ang planong pagpa­pasabog ng mga armadong kalalaki­han sa ilang bahagi ng Jolo makaraang masa­bat ang bultu-bulto bomba sa isina­ga­wang raid sa bisinidad ng Brgy. Chinese Pier, Jolo, Sulu kama­ka­lawa ng hapon.

Sa pahayag ni Lt. Col. Edgard Arevalo, nagsa­gawa ng operasyon ang mga tropa 2nd at 3rd Marine Brigade at pulisya sa nabanggit na barangay at nadiskubre ang toneladang pampasabog sa bahay ni Hadji Nahrin Abu Akmad na sinasabing supplier ng grupong Abu Sayyaf.

Kabilang sa mga ma­teryales ng bomba na na­sabat ay ang 27-sako ng ammonium nitrate, 4,500 blasting caps casing, 13 rolyo na may pitong me­trong habang blasting fuse, sako na nagla­laman ng potassium chlorate, 40mm caliber pistol na may bala, cellular phone, P80,000 cash at pasaporte ni Akmad.

Ga­yon pa man, naka­takas si Akmad na pinanini­walaang natunugan ang pag­salakay ng mga aw­toridad. Si Akmad ay siyang iti­nuturong supplier ng bom­ba na gi­namit ng mga ban­dido sa pag­pa­pasabog sa ilang ba­hagi Jolo, Sulu no­ong Abril 3, 2009. Joy Cantos


Show comments