Shootout: 3 Bolt-Cutter Gang tumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  – Nagwakas ang pa­giging miyembro ng Bolt-Cutter Gang ng tatlong ka­lalakihan makaraang ma­patay sa pakikipagbarilan sa pulisya noong Biyernes Santo ng madaling-araw sa bayan ng Imus, Cavite.

Ayon kay P/Supt. Ulys­ ses Cruz, hepe ng Imus PNP, nanatiling walang pag­kakakilanlan ang tat­long suspek na pawang may mga tattoo sa iba’t ibang bahagai ng katawan na nakalagak na ngayon sa Alindog Funeral Homes sa bayan ng Imus.

Batay sa police report, na­katanggap ng tawag sa telepono ang Police Community Precinct 1 mula kay Chairman Dominguez ng Barangay Palico 4 tungkol sa kahina-hinalang Nissan Vannete (UMG-783) na nakaparada sa Kiddy Link Internet Café na pag-aari ni Charito Amaro.

Mabilis namang rumes­ponde ang pulisya at mati­yempuhang papatakas na ang tatlo mula sa loob nasabing Internet café.

Napag-alamang nagka­ha­bulan hanggang na­abutan nila ang tatlo na si­na­sabing nakipag­barilan hanggang sa ma­patay sa­kay ng van na may nakaw na plaka.

Narekober naman sa tatlo ang isang bolt cutter, isang cal. 38 baril, isang sum­pak at dalawang gra­nada.


Show comments