Milyong deboto aakyat sa Antipolo
MANILA, Philippines - Itinaas ng Rizal Provincial Police Office at Antipolo City Police Station ang alerto nito sa inaasahang pagdagsa ng milyong mga deboto na maglalakad ng kilo-kilometro patungo sa Our Lady of Good Voyage Cathedral sa naturang lungsod ngayong Semana Santa.
Sa tantiya ni Antipolo Police Chief, Supt. Dioscoro Maata, tinatayang nasa 1.5 milyong deboto ang taun-taong umaakyat sa lungsod upang mamanata sa imahe sa taunang “Alay Lakad”.
Nakaalerto ang buong pulisya at mga opisyales ng barangay upang maiwasan ang taun-taon ring nagaga nap ng krimen dahil sa pagbabanggaan ng mga magkakalabang grupo ng kabataan, nakawan at pambabastos sa mga kababaihan.
Ipapakalat ng RPPO at Antipolo police ang kanilang mga tauhan sa mga istratehikong lugar. Ihahalo sa karamihan ng tao ang mga nakasibilyang pulis upang matyagan ang pagkilos ng mga kriminal. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending