^

Probinsiya

Bagong graduate pinugutan

-

LEGAZPI CITY , Philippines  – Isang 13-anyos na binatilyo na ba­gong graduate sa ele­men­tarya ang tinuhog ng kahoy at pinugutan ng isang lalakeng may topak umano sa ulo sa Sitio Ca­bohahan, Barangay Bo­ton, Casiguran, Sor­sogon ka­makalawa ng hapon.

Nakilala ang biktimang si Dennis Lauriara na re­sidente ng naturang lugar.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Allan Gregory Esperansante, 39, binata, at residente rin sa Boton.

Ayon sa ulat na naka­rating kay Casiguran Ma­yor Ma. Ester Hamor, ang insidente ay naganap da­kong ala-1:00 ng hapon habang ang biktima ka­sama ang ilang mga kaibi­gan nito ay naglalaro.

Biglang dumating ang suspek na may hawak na itak, sinunggaban ang bik­tima at walang sabi-sabing pi­nagtataga ito hanggang pugutan ng ulo at tuhugin ng kahoy ang katawan ng binatilyo.

Ang suspek ay pabalik-balik na sa isang mental institution sa Dr. Susano Rodriguez Memorial Hospital na kung saan ito ang pa­gamutan ng mga may sira ang ulo.

Sinabi pa ng alkalde na ito ay kanilang unang ipina­dala sa naturang pagamu­tan su­ balit ito ay nakabalik sa lugar dahil ito ay asal ma­tinong pag-iisip na muli umano.

Ngunit kamakalawa, nagwala ang suspek hang­gang sa matagpuan at pa­tayin ang biktima.

Ang suspek naman ay ka­­salukuyan nang nakaku­long na sa himpilan ng pulisya at ini­hahanda na rin ang pagsa­sampa ng kaso laban dito. (Ed Casulla)


vuukle comment

ALLAN GREGORY ESPERANSANTE

AYON

BARANGAY BO

CASIGURAN MA

DENNIS LAURIARA

DR. SUSANO RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

ED CASULLA

ESTER HAMOR

SHY

SITIO CA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with