Bata, inagaw kay kamatayan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Laking pasa­salamat ang ipinaabot ng mag-asawang Myrna at Glenn Fernandez sa mga sundalong Kano na kasapi sa RP-US Balikatan matapos na mailigtas nito ang kanilang anak na nalunod sa swimming kamakalawa ng gabi sa Bi­toon Beach Resort Barangay Bagacay sa bayan ng Mobo, Masbate.

Nakilala ang batang babae na si Ma. Fe Ysabelle Fernan­dez, isang taong gulang at mga bakasyunista sa natu­rang lalawigan.

Kinilala naman ni LTC. Ne­neveigh Alcovindas, spokesman ng Joint Task Force Ba­likatan, ang sundalo ng nag­ligtas sa bata na si HM3 Christopher Thomas (Medical Corpsman) ng Naval Mobile Construction Battalion 40 na nakabase sa nasabing resort.

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi habang ang mag-asawa at ilang ka­mag-anak nito ay abala sa ku­wentuhan sa cottage kung saan hindi napansin ang bata na naglakad patungong swimming pool bago mahulog hang­gang sa makita ito ng ilang naliligo.

Mabilis namang sumaklolo si Thomas na doon tumutuloy sa beach dahil malapit sa kanilang ginagawang pro­yekto na paaralan at water system.

Ginamit ni Thomas ang kaalaman para iligtas ang bata na halos walang buhay at makita ng mga magulang na walang pag-asang mabu­hay pa dahil sa pagkalunod.

Gayon pa man, nabuha­yan ng loob ang mga magu­lang ng bata na biglang hu­minga at sumuka ng tubig habang nilalapatan ng first aid ni Thomas.

Nagsigawan ang mga na­ka­saksi sa insidente kabilang na ang mga magulang ng bata na nag-iiyak at buhay-na-buhay. Ed Casulla at Joy Cantos

Show comments