Missing plane, walang balita

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matapos ang anim na araw na paghaha­nap ng mga search and rescue team ay nananatiling bigo pa ring makita ang na­wa­walang ero­plano na unang tinukoy na ma­aaring nasa kagubatan ng Maco­nacon, Isabela.

Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police regional director, masamang panahon pa rin ang pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan ang mga rescue team na pasu­kin ang ka­gubatan ng Sierra Madre na pinaniniwalaang binagsakan ng eroplano.

Magugunita na noong Hu­webes ng umaga nang mag-takeoff mula Tugue­garao Airport ang Chemrad plane (with tail No. RP-C764) lulan ang pitong pasa­hero na sina Capt. Tomas Z. Yañez at co-pilot na si Capt. Ranier Ruiz, SPO2 Rolly Castanos, Celestino Sa­la­cup, Abelardo Baggay, Joel Basilio at James Bakilan patungo sa Maconacon, Isa­bela.

Subalit hindi na naka­lapag ang nasabing erop­lano sa kanilang destinas­yon.

Bukod sa mga rescue sa himpapawid ay patuloy pa rin ang pagpapadala ni Macona­con Mayor Candido Talosig ng mga tauhan sa pangunguna ng kanyang anak upang suyu­rin ang kagubatan na binag­sakan ng eroplano.

Ngayon ay lalong dinag­da­gan ang puwersa ng mga rescue na gumagalugad sa kagu­batan kabilang na ang mga kamag-anak ng mga nawa­walang pasahero ma­tapos mabigong makita ng mga rescue sa aerial ang nawawalang eroplano dahil sa patuloy na sama ng panahon.Victor Martin at Joy Cantos

Show comments