Buntis na reporter pisak sa truck

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang buntis na radio reporter habang anim iba pa ang na­ sugatan maka­raang ma­bang­ga ng pam­pasaherong van ng 10-wheeler truck kahapon ng madaling-araw sa Samar.

Kinilala ang nasawing biktima na si Bernadette Acedera, 29, ng Manila Broadcasting Corporation, dySM radio na nakabase sa bayan ng Catarman, Northern Samar at naninir­ahan sa Mondragon, Northern Sa­mar.

Si Acedera ay nakaupo sa unahang bahagi ng pam­pasaherong van kung saan naipit ito matapos mayupi sa pagkakasalpok ng truck.

Kabilang sa mga suga­tang biktima ay sina Elmer Pasha, Jerome Bang, Jea­nette Dancer at si Rachel Unimade.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang tra­hedya sa highway ng Ba­rangay Pahug sa bayan ng Pinabacdao, Samar sa pa­gitan ng alas-12 ng hating­gabi at alauna ng mada­ling-araw kahapon.

Napag-alamang si Ace­dera ay bibisita sana sa kaniyang mister sa Taclo­ban City nang makasalu­bong si kamatayan sa highway.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na sumulpot sa kabilang linya ng highway ang ru­maragasang 10-wheeler truck ni Nestor Calves na pag-aari ng ice plant sa Tacloban City kaya sumal­pok sa van ni Reconsider Molino na sinasakyan nina Acedera na nag-iisang nasawi sa trahedya.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries at damage to property, ang drayber ng truck habang nakakulong sa himpilan ng pulisya. Joy Cantos

Show comments