4 sugatan sa pagsabog

ILAGAN, Isabela, Philippines – Apat-katao ang iniulat na nasugatan matapos ang pagsabog kamakalawa sa ferry site ng Cagayan River sa Masaya Sur, San Agustin, Isabela. Kabilang sa mga bik­ti­man sugatan ay sina Lydia Atienza, Rona Bumagat, Christina Pua ng Villa Luz, San Mateo, Isabela at isa pang bineberipika ang pagkakilanlan. Ayon sa pulisya, nadamay rin sa pagsabog  ang tatlong sasakyan na Isuzu cargo van (XJV568), Crosswind (ZRB 652) at Fortuner (VCV889) na noon ay nakaparada sa tabi ng ilog habang hinihintay ang pagdating ng ferry boat na magtatawid sa kanila sa kabilang bahagi ng ilog. Ayon kay P/ Senior Insp. Jose Ramos, patuloy naman ang imbestigasyon. Victor Martin

Show comments