^

Probinsiya

Pamilya minasaker

- Joy Cantos, Teddy Molina -

MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang pinaniniwalaan namang iniligtas ng kani­lang anghel dela guwar­diya ang isang pitong bu­wang sanggol at kapatid nitong paslit matapos na pag­babarilin ng mga arma­dong kalalakihan sa Ba­rangay 14 Ester, Vintar, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Ilocos Norte Police Officer–in-Charge Sr. Supt. Benjamin Lusad ang mga biktima na sina Ama­dor Castro, asawa nitong si Marciana, at anak nilang sina Mercy at Reymalin.

Ikinulong naman ng mga suspect sa isa pang ku­warto ang dalawa pang bata na isang anim na taong gulang at pitong buwang sanggol na anak ni Marciana na kapwa naka­ligtas sa insidente.

Sinabi ni Lusad sa isang panayam sa telepono na nadiskubre ang krimen dakong alas-6:00 ng uma­ga kahapon matapos na mag-usyoso ang mga ka­pitbahay ng mag-asawa sa kanilang tahanan.

Ayon kay Lusad, nasa kalaliman na ng gabi ha­bang mahimbing na natu­tulog ang mga kapitbahay ng mag-asawa nang maka­rinig ang mga ito ng sunud-sunod na putok ng baril na nanggaling sa tahanan ng mga biktima.

Kinabukasan ay agad na sinilip ng mga kapit­ba­hay ng mag-asawa ang ta­hanan ng mga ito at dito na unang bumungad ang bangkay ni Amador na na­kagapos pa ang dalawang kamay at may plaster pa ang bunganga.

Natagpuan namang tad­tad ng tama ng bala ang mag-iinang sina Marciana, Mercy at Reymalin sa loob ng isang kuwarto sa kani­lang bahay.

Nakuha ng mga nagres­pondeng awtoridad ang isang cal . 22 at 9 MM pistol na siyang ginamit sa krimen.

Kinumpirma ni Lusad na naaresto na nila ang isa sa mga suspek na tumanggi muna nitong kilalanin upang hindi mabulilyaso ang kani­lang dragnet operation laban sa iba pang salarin.

AMADOR

BENJAMIN LUSAD

CHARGE SR. SUPT

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE OFFICER

LUSAD

MARCIANA

REYMALIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with