Tigil-pasada sa Pangasinan ikinasa
DAGUPAN CITY, Philippines — Nakatakdang ilunsad anumang araw ang malawakang tigil-pasada ng ilang transport group sa Pangasinan kaugnay sa kautusan ng DOTC na nagpapataw ng malaking multa sa sinumang motorista na lalabag sa batas trapiko.
Sa pahayag ni Benny Aquino, pangulo ng Alliance of United Transports Organization Province-wide (AUTOPRO, Inc.), na lalahok ang kanilang organisasyon sa tigil-pasada kung hindi isususpinde ng Malakanyang ang implementasyon ng memorandum ng DOTC.
Ayon kay Aquino, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga rutang Bonuan (Tondaligan, Boquig at Binloc)-Dagupan at vice versa kung saan aabot 120 pampasehong jeepney ang lalahok sa tigil-pasada.
Kabilang din sa maapektuhan ng tigil-pasada ay ang rutang Calasiao-Dagupan, Mapandan-Dagupan, at Manaoag-Dagupan.
Maging ang rutang Malasiqui-Dagupan at San Carlos City-Dagupan City ay inaasahang lalahok din sa kilos-protesta. Cesar Ramirez
- Latest
- Trending