LINGAYEN, Pangasinan, Philippines – Isang dating kapitan ng barangay at negosyante ng baboy ang binaril at napatay ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Pangasinan kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa police provincial office, kinilala ang napatay na dating kabesa na si Flor Benitez, 53, ng Brgy. Lasip, Malasiqui.
Napag-alamang sakay ng pick-up truck si Benitez nang dikitan ng motorcycle-riding assassin pagsapit sa bisinidad ng Brgy. Gomez. Samantala, binaril at napatay din si Rolando Gater, 44, na nagnenegosyo ng karne ng baboy kamakalawa ng tanghali sa Brgy. A sa bayan ng Tayug.
Napag-alamang papasok na sa kanyang bahay si Gater nang lapitan at ratratin ng dalawang maskaradong lalaki. (Cesar Ramirez)