^

Probinsiya

NPA vs Cafgu: 17 patay

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa labimpito-katao kabilang ang labing-isang rebeldeng New Peo­ple’s Army ang iniulat na na­sawi sa panibagong sagu­paan sa pagitan ng mga ka­wal ng Cafgu Active Auxil­liary sa liblib na bahagi ng Malaybalay City, Bukidnon kahapon ng tanghali.

Ayon kay Army’s 4th Infantry Division spokesman  Major Michelle Anayron, nakasagupa ng tropa ng militiamen ang grupo ng mga rebelde sa bisinidad ng Brgy. Zamboanguita, Malaybalay City.

Nabatid na dalawang trak na sinasakyan ng mga rebeldeng NPA ang uma­take at nang-harass sa Zamboanguita Patrol Base ng CAA’s.

Subalit kaagad naman nagdepensa ang  mga Caf­gu kung saan tumagal ng 30-minutong giyera.

Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Aguinaldo, umaabot sa tatlong Cafgu ang na­paslang habang labing-isa naman sa panig ng mga re­belde at dalawang sibilyan na naipit sa bakbakan habang tatlo pa sa panig ng CAA’s ang nasugatan.

Sinabi ni Anayron, na reresbak sana ang grupo ng mga rebelde matapos ma­kubkob ng militar ang da­lawang kampo na pagda­rausan sana ng ika-40 taong pagkakatatag ng NPA noong Marso 29, tatlong araw bago ang okasyon sa operasyon sa Gingoog City.

Taliwas sa inaasahan ng mga rebelde ay nakahanda ang mga bantay na Cafgu sa pag-atake. (Joy Cantos)


CAFGU

CAFGU ACTIVE AUXIL

CAMP AGUINALDO

GINGOOG CITY

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAJOR MICHELLE ANAYRON

MALAYBALAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with