^

Probinsiya

Bangkero Festival sa Pagsanjan

-

MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng Pagsan­jan, na tinaguriang tourist capital ng Laguna ang ika-11 Pagsanjan Bangkero Festival mula ngayon hanggang Abril 4, 2009.  

Ayon kay Mayor Jeorge “E R Ejercito” Estregan, ang festival na may paksang Turismo Mismo: Ugat ng Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran!” ay naglalayong bigyang pansin ang pangangalaga sa kapaligiran at promosyon ng industriyang panturismo ng Pagsanjan.

 “Ang pagdiriwang ay pagpupugay sa patrong Nu­estra Señora de Guada­lupe, gayundin sa mga bang­kero na nagdadala ng mga turista sa Pagsanjan Falls at nagsisilbing “frontliners” sa lokal na indus­triyang pantu­rismo,” pahayag ni Mayor Estregan.

Magkakaroon din ng BANDigmaan Battle of the Bands, at pagtatanghal ng Bayanihan Philippine National Dance Company, Shirley Halili-Cruz Ballet Company, Douglas Nierras Powerdance, at ang Sining Katutubo Dance Assembly.

Ang iba pang mga akti­bidad ay ang Lakan at Bini­bining Pagsanjan, Ginoong Pagsanjan Bangkero, Pala­rong Bangkero at inter-school videoke challenge, street dancing, patimpalak sa drum and lyre, at sa pag­tatapos ay ang fluvial parade sa Ilog Pagsanjan.

Sa kaugnay na balita, nagbigay ang Department of Tourism ng P3 milyong pondo sa pamahalaang lokal para sa pagpapatayo ng Central Boatman Station para sa mga nagnanais magtungo sa Pagsanjan Falls. Para sa detalye, tuma­wag sa 049-8084057.


BATTLE OF THE BANDS

BAYANIHAN PHILIPPINE NATIONAL DANCE COMPANY

CENTRAL BOATMAN STATION

DEPARTMENT OF TOURISM

DOUGLAS NIERRAS POWERDANCE

E R EJERCITO

GINOONG PAGSANJAN BANGKERO

ILOG PAGSANJAN

PAGSANJAN FALLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with