MANILA, Philippines - Muli na namang nasangkot sa paghahasik ng karahasan ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front renegades matapos na sunugin ang eskuwelahan sa bayan ng Sumisip, Basilan, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa regional Army’s spokesman na si Lt. Col. Steffani Cacho, lumusob sa Erely Elementary School sa Brgy. Central ang grupo ni Omar Ladjala alyas Commander Tomo.
Matapos sunugin ang elementarya ay mabilis na nagsitakas ang mga rebeldeng MILF kung saan lumilitaw sa imbestigasyon na paghihiganti ang motibo ng insidente dahil sa pagsuporta ng mga residente sa kampanya ng tropa ng militar laban sa grupo ng MILF renegades at mga bandidong Abu Sayyaf.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations ng militar laban sa mga bandido at separatistang kidnaper mula sa hanay ng Abu Sayyaf at MILF renegades. (Joy Cantos)