Magbiyenan tumba sa ambus

RIZAL, Philippines – Napaaga ang sa­lubong ni kamatayan laban sa magbiyenan ha­bang tatlong iba pa ang na­sugatan makaraang tam­­bangan ng mga arma­dong kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa bisi­nidad ng Sitio Salumpit sa Ba­rangay Macabud sa ba­yan ng Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ni P/Supt. Felipe Abigan Jr. hepe ng pulisya, nasawi si Chairman Clau­dio Lasti­mada, 56; at ang manu­gang na si Salvador Alba­rina, 38, kapwa nanini­ra­han sa Sitio Odiongan sa nasabing barangay.

Samantala, kabilang naman sa mga biktimang nasugatang naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center ay sina Dandie Sadya, 30, driver; Florence Salvo, 40; at si Joseph Salvo, 14.

Naganap ang pana­nam­bang sa pagitan ng Sitio Salumpit at Sitio Odiongan road sa na­bang­git na barangay kung saan nagmula ang mga biktima sa sabungan sa Brgy. San Isidro na sakay ng Mitsu­bishi Adventure na may plakang SHY 367.

Napag-alamang si Ba­rangay Chairman Lastima­da ang sinasabing nag-report sa himpilan ng pu­lisya ng Rodriguez sa pa­na­nabotahe ng mga rebel­deng NPA sa dump truck noong Enero 3 ng umaga sa nabanggit na barangay.

Dito na nagsimulang sumiklab ang madugong bak­bakan ng mga operatiba ng 418th Provincial Mobile Group laban sa mga re­belde na ikinasawi ng da­lawang pulis habang nabi­hag na­man ang tatlo pang ka­samahan nito na noong Biyernes ay pinalaya ng grupong Narciso Antazo Aramil Command-New Peo­ple’s Army sa pakiki­pag­dayalogo ni Rizal Governor Casimiro Ynares III at iba pang mga opisyales ng pamahalaan.

Show comments