^

Probinsiya

3 bihag na parak pinalaya ng NPA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinalaya na kahapon ng New People’s Army ang tatlong pulis na dinukot nila sa Rodriguez, Rizal noong Enero ng taong ito.

Bandang tanghali ng ipasa ng NPA sa International Committee of the Red Cross ang mga bikti­mang sina Insp. Rex Cun­tapay, PO1 Alberto Umali at PO1 Marvin Agasen sa isang bulubunduking ba­hagi ng Rodriguez.

Tumagal nang isang buwan ang pakikipagne­gosasyon ni Rizal Governor Casimiro Ynarez sa mga rebelde bago napa­laya ang mga biktima.

Ang nasabing mga pulis ay tatlong buwang na­malagi sa kamay ng NPA sa ilalim ng Narciso Anta­zo Aramil Command na naka­base sa Rizal simula nang dukutin sila ng mga rebelde sa pakikipag-engku­wentro ng mga ito sa pu­lis­ya noong January 03, 2009 sa Sitio Calumpit, Brgy. Macabud, Rodriguez.

Ang tatlong pulis ay nasa pangangalaga nga­yon ng tanggapan ng Rizal provincial capitol kasama ang kanilang mga pamilya kung saan isasailalim ang mga ito sa medical check up at debriefing.

ALBERTO UMALI

ARAMIL COMMAND

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

MARVIN AGASEN

NEW PEOPLE

REX CUN

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with