2 lider ng NPA, 5 pa sumuko

MANILA, Philippines - Pitong rebeldeng New People’s Army kabilang na ang dalawang lider ang iniulat na sumuko sa kam­po ng militar sa bayan ng Oras, Eastern Samar, ayon sa ulat ng Philippine Army kahapon.

Sa report ni Army’s 8th Infantry Division (ID) chief Major Arthur Tabaquero, kabilang sa mga sumuko ay sina Salvacion Burac alyas Ka Salving at Christopher Amigo alyas Ka Doods/ Bulan.

Si Burac ang finance officer ng section Committee ng North East Front habang si Amigo naman ang Squad leader ng na­sabi ring grupo ng Eastern Samar Provincial Party Committee ng NPA.

Ang iba pang sumuko ay sina Antonio Burac alyas Ka Tony; Lita Dacus­cus Burac alyas Melvin/Alex; Aileen Avila Burac alyas Dilay; Joel Norcio Burac alyas Teddy/Jun; at si Nelson Logroso Rosales Ka Rex.

Napag-alamang sumu­ko ang mga rebelde sa kampo ng Army’s 4th Infantry Battalion (IB) na pina­mumunuan ni Lt. Col. Jaime Fernando dakong alas-6 ng gabi.

Isinurender din ang mga armas na kinabibilangan ng dalawang M16 rifles, M14 rifle, Garand rifle, carbine, walong magazine at 7-maiikling magazines na may 334 bala ng M16; 8-magazine  na may 157 rounds ng bala ng M14; limang clips ng 41 rounds ng bala ng M1 Garand. Joy Cantos

Show comments