^

Probinsiya

Lolo, lola at apo niratrat

-

BULACAN, Philippines – Nagkabu­tas-butas ang katawan ng isang 78-anyos na lolo habang malubha naman nasugatan ang mag-lola makaraang ratratin ng ’di-kilalang lalaki ang kanilang tindahan sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Sta. Maria, Bu­lacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na sina Remigio Sanchez, habang ginagamot naman sa Ro­gasciano Mendoza Memorial Hospital ang mag-lo­lang Victoria, 73; at apong si Marlon, 26, pawang na­ninirahan sa Sitio Gulod, Barangay Bulac sa na­bang­git na bayan.

Sa police report na na­karating kay P/Supt. Mar­cos Rivero, dakong alas-7:30 ng gabi habang nag-aayos ang mag-asawang Sanchez katuwang ang kanilang apo para magsara ng kanilang tindahan nang bumaba sa pampasa­he­rong jeepney na may pla­kang USJ 767 ang isang ’di-kilalang lalaki.

Kasunod nito ang su­nud-sunod na putok ng baril na tumama sa mga biktima habang naglahong parang bula ang gunman.

Samantala, patuloy na­man ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY BULAC

KASUNOD

KINILALA

MARLON

MENDOZA MEMORIAL HOSPITAL

NAGKABU

REMIGIO SANCHEZ

RIVERO

SHY

SITIO GULOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with