^

Probinsiya

3 pulis na bihag, palalayain

-

RIZAL, Philippines – Pinaniniwa­laang palalayain na ang tatlong pulis na miyembro ng Provincial Police Mobile Group na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army matapos ang sagupaan noong Enero 3, 2009 sa liblib na bahagi ng Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal. Kabilang sa mga bik­timang binihag ay sina P/Insp. Rex Cuntapay, PO1 Marvin Agasen at si PO1 Alberto dela Cruz Umali. Sa halos tatlong buwang pagkakabihag ng tatlong pulis, nakipagnegosasyon ang isang grupo sa pamu­muno ni Rizal Governor Jun Ynares III, kasama si Senator Jamby Madrigal sa mga bumihag na grupong Nar­ciso Antazo Aramil Command. “Tiwala ako na mapapa­laya na ang mga bihag anu­mang araw mula ngayon,” pahayag ni Gob. Jun Ynares III. Matatandaang humiling ang pamilya ng tatlo na palayain na at inanunsyo ng NPA ang posibleng pagpa­palaya bilang pagpapakita ng goodwill at humanitarian gesture ng mga rebelde. Samantala, ang grupo ni Rizal Gob. Jun Ynares III ay agad humiling sa pamunuan ng Southern Luzon Command ni Lt. General Delfin Bangit at P/Chief Supt. Perfecto Palad, na itigil ang operasyong militar sa Rizal, Laguna at Quezon para sa proseso ng pagpapalaya sa tatlong pulis. Gayon pa man, sa sulat na pinadala sa opisina ni Rizal Gob. Jun Ynares III, pinagbigyan ang kahilingan ng grupo para sa pagtigil ng operasyon ng militar at pulisya kung saan inaasa­hang palalayain ang tatlo. Ricky Tulipat

ANTAZO ARAMIL COMMAND

CHIEF SUPT

CRUZ UMALI

GENERAL DELFIN BANGIT

JUN YNARES

MARVIN AGASEN

NEW PEOPLE

PERFECTO PALAD

RIZAL GOB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with