RIZAL, Philippines – Malawakang dragnet operation ang inilatag ng pulisya laban sa dalawang call boy na pinaniniwalaang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang La Salle professor na natagpuan sa madamong bahagi ng Brgy. Silangan sa bayan ng San Mateo, Rizal noong Martes ng umaga.
Ito ang nabatid kay P/Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng pulisya sa San Mateo, base sa inisyal na imbestigasyon kung saan lumitaw na may kinala man ang dalawang ’di-pa kilalang call boy sa pamamaslang kay Vincent Jan Rudio, 29, ng Marietta Romeo Village, Pasig City, Metro Manila.
Base sa police report, na ang dalawang call boy ang sinasabing pinik-up ng biktima sa bisinidad ng Marikina City noong gabi ng Lunes, isang araw bago natagpuang patay sa Paz St. kanto ng Simon St. Phase - 4 Monterey Hills, Subd. sa nabanggit na barangay.
Sinasabi ni P/Insp. Michael Angeles, na may mga lead na kung sinu-sino ang mga suspek subalit pansamantalang ‘di muna ibinunyag ang mga pangalan para hindi masunog ang follow-up operation.
May cartographic sketch na rin ang mga suspek na ipinalabas ng pulisya base na rin sa mga nakakita bago matagpuan ang bik tima.
Ang dalawang suspek ang namataan ng mga nagrorondang barangay tanod sa nabanggit na lugar na nagkunwaring naubusan ng gasolina sa dala nilang Mitsubishi Lancer (WEG 346) saka nagpaalam para bumili ng gasolina, hanggang sa ‘di na nagbalik at matagpuan ang bangkay ng biktima. Ricky Tulipat