2 ama nagbigti

NUEVA ECIJA , Philippines – Dala­wang ama ng tahanan na pinaniniwalaang may ma­tin­ding problemang pam­pamilya ang iniulat na nag­pakamatay sa naganap na magkahiwalay na insidente noong Biyernes at Sabado sa Cabanatuan City at Pantabangan, Nueva Ecija, ayon sa ulat kahapon.

Na­unang nagbigti ang bikti­mang si Wilfredo Peralta, 55, sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Villa Ofelia, Cabanatuan City. Ayon sa pulisya, nag-iwan ng suicide note si Peralta sa kanyang pamilya.

Sa­mantala, nagbigti rin si Ru­dolfo Barniego, 26, sa loob din ng kanilang tahanan noong Sabado sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments