2 ama nagbigti
NUEVA ECIJA , Philippines – Dalawang ama ng tahanan na pinaniniwalaang may matinding problemang pampamilya ang iniulat na nagpakamatay sa naganap na magkahiwalay na insidente noong Biyernes at Sabado sa Cabanatuan City at Pantabangan, Nueva Ecija, ayon sa ulat kahapon.
Naunang nagbigti ang biktimang si Wilfredo Peralta, 55, sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Villa Ofelia, Cabanatuan City. Ayon sa pulisya, nag-iwan ng suicide note si Peralta sa kanyang pamilya.
Samantala, nagbigti rin si Rudolfo Barniego, 26, sa loob din ng kanilang tahanan noong Sabado sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija. (Christian Ryan Sta. Ana)
- Latest
- Trending