KIDAPAWAN CITY , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-uutol na lalaki matapos pagtatagain ng di-pa kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Sitio Lubas sa Barangay Amabel, Magpet, North Cotabato noong Linggo ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jonathan,17; Jomel, 10; at si Joel, 7, na pawang may apelyidong Torefil.
Ayon sa ulat, mismong ama ng tatlo ang nakakita sa mga bangkay ng biktima matapos magtungo sa bahay ng kaniyang ama, may ilang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.
Napag-alamang ipinagbigay-alam ng ama sa pulisya at mga opisyal ng barangay ang insidente bandang alas-4 ng hapon kung saan nadiskubre ang mga katawan bandang alas-10 ng umaga.
Nagduda naman si Magpet Mayor Efren Pinol sa salaysay ni Erning kaya ipinahukay ang mga bangkay ng mag-uutol para isailalim sa autopsiya ni Dr. Imer Vilela. (Malu Manar)