Dalagang retarded pinilahan

RIZAL , Philippines – Isang 23-an­yos na dalagang may ka­pansanan sa pag-iisip ang pinilahang halayin ng anim na kalalakihan kamaka­lawa ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Bilibiran sa bayan ng Binangonan, Rizal.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto na­man ang mga suspek na sina Benjie Acosta,  29; kapatid  nitong si  Vincent  Acosta,  21; Marvin Jara, 24; Rondo  Medina,  23; at  dalawang menor-de-edad na lalaki.

Sa police report na na­karating kay P/Supt. Ro­dino  Elfa, hepe  ng pulisya, naisama ng mga suspek ang biktimang nabigyan ng kendi at laruan sa bakan­teng lote at naisagawa ang maitim na balak. Kaagad naman nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin kaya nasakote ang mga suspek. (Ricky Tulipat)

Show comments