Dalagang retarded pinilahan
RIZAL , Philippines – Isang 23-anyos na dalagang may kapansanan sa pag-iisip ang pinilahang halayin ng anim na kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Bilibiran sa bayan ng Binangonan, Rizal.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang mga suspek na sina Benjie Acosta, 29; kapatid nitong si Vincent Acosta, 21; Marvin Jara, 24; Rondo Medina, 23; at dalawang menor-de-edad na lalaki.
Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rodino Elfa, hepe ng pulisya, naisama ng mga suspek ang biktimang nabigyan ng kendi at laruan sa bakanteng lote at naisagawa ang maitim na balak. Kaagad naman nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin kaya nasakote ang mga suspek. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending