^

Probinsiya

Sanggol nilapa ng pitbull

- Ni Boy Cruz -

PAMPANGA , Philippines  – Kasalu­kuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang sang­gol na lalaki matapos lapain ang kanyang ulo ng alagang asong pitbull sa bakuran ng kanilang taha­nan sa Barangay Bahay-Pare sa bayan ng Can­da­ba, Pampanga kamaka­la­wa ng umaga.

Inoobserbahan pa ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Revin Mallari, 6-buwang gulang at anak ng mag-asa­wang Jun at Ailyn Mallari na nanini­rahan sa bisinidad ng Sitio Tres sa nabanggit na ba­rangay.

Sa nakalap na impor­masyon ng PSNgayon, kasalukuyang nasa duyan ang sanggol nang sag­pangin ng pitbull na alyas “Bruno” na nakakadena, bandang alas-11 ng uma­ga.

Nagkataong nasa pali­gid lamang ang babaeng kasambahay ng pamilya Mallari ng masaksihan ang insidente kaya mabilis itong humingi ng saklolo sa iba pang kasambahay na kalalakihan.

Dahil sa nag-lock jaw ang pitbull ay nahirapang alisin ng mga sumaklolong kala­lakihan ang ulo ng sanggol sa bunganga ng aso.

May teorya ang mga nakasaksi na nagalit sa kaiiyak ng sanggol na nasa duyan ang asong pitbull na malapit sa kinalalagyan ng biktima. (Dagdag na ulat ni Ric Sapnu)

vuukle comment

AILYN MALLARI

BARANGAY BAHAY-PARE

BRUNO

DAGDAG

DAHIL

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

REVIN MALLARI

RIC SAPNU

SHY

SITIO TRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with