Pagsibak sa mayor ng Sasmuan pinagtibay ng SC
PAMPANGA, Philippines – Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang pagpapatalsik sa alkalde ng bayan ng Sasmuan, Pampanga na si Nardo M. Velasco na nahalal noong May 2007 polls.
Nakasaad sa en banc resolution noong Pebrero 10, 2009 (Martes), ibinasura ng Supreme Court ang Motion for Reconsideration na isinumite ni Velasco.
“The basic issues raised therin have been passed upon by this court and no substantial arguments were presented to warrant the reversal of the questioned decision,” nakasaad sa desisyon.
Napag-alamang nauna ng pinagtibay ng Supreme Court na nilakdaan ni Justice Arturo Brion, ang 2007 resolution ng Commission on Elections (Comelec) na kinakansela ang Certificate of Candidacy (CoC) at pagpapawalang bisa ng proklamasyon ni Nardo Velasco bilang mayor ng Sasmuan, Pampanga.
Base sa record, si Velasco na nanirahan sa United States ay naging US citizen noong 1983 bago bumalik sa pagka-Pinoy at tumakbong alkalde noong 2007 elections.
Sinalungat naman ng dating vice mayor na si Mozart Panliqui at pinakakansela sa Comelec ang Coc ni Velasco dahil wala sa voters’ list ang kanyang pangalan at kulang sa taon para maging residente ng nasabing bayan.
Naisulong naman ni Velasco ang kandidatura nang iapela nito ang kanyang kaso sa Court of Appeals hanggang sa manalo noong eleksyon bilang alkalde subalit noong Hulyo 2007, kinansela ng Comelec ang kanyang CoC at pinawalang bisa ang pagkapanalo.
- Latest
- Trending