DAET, Camarines Norte, Philippines – Umaabot sa P.5 milyong halaga ang nalimas matapos holdapin ng mga armadong kalalakihan ang manager ng pribadong kompanya sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng tanghali. Ayon sa pulisya, nag-withdraw sa banko ng malaking halaga ang manager ng Western Union na si Noel Teodoro, 44, bago suma kay ng traysikel na minamaneho ni Ricardo Flores. Pagsapit sa harapan ng Nelson Hardware sa kahabaan ng Dasmariñas Street, ay biglang hinarang ng tatlong armadong kalalakihan ang traysikel na sinasakyan ng biktima bago nagdeklara ng holdap.
Tangay ang kinalalagyan ng malaking halaga ni Teodoro bago tumakas ang mga holdaper sakay ng motorsiklo. Tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang nasabing manager. Francis Elevado